Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2183

Pagkatapos sabihin ni Daniel sa kanya na gaganapin na ang pekeng engagement nila ni Naya sa Linggo, nagsimulang maging mailap si Ava. Nagsisinungaling siya kung sasabihin niya na wala siyang pakialam. Kahit na peke lang ito, hindi pa rin siya mapalagay. Napansin ito ni Maisie na nakaupo sa kanyang tabi. "Ava, may problema ka ba? Bakit mukhang problemado ka?" Nag-aalalang tanong ni Maisie. Nahimasmasan si Ava at umiling para itanggi ito. "Hindi, iniisip ko lang kung paano ko gagawin yung susunod na design." "Parang hindi eh." Ngumiti si Maisie at kumurap. "Ava, nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" Lumingon si Ava nang nakangiti nang marinig iyon. "Kailan ka pa naging mausisa?" "Hindi ako mausisa. Nag-aalala lang ako sa'yo." Diin ni Maisie nang may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Nang marinig ito ni Ava ay nanahimik siya. Mas lalong nakasiguro si Maisie na mayroon siyang problema. "Ava, pwede mong sabihin sa'kin kung mayroong hindi nagpapasaya sa'yo. Mabuting kaibig

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.