Kabanata 2231
Nagpanggap na magiting si Chloe habang nagsasalita. Pagkatapos, galit niyang tinuro si Ava at hinarap ang mga camera.
“Tulad ng nakikita niyo, ito si Ava Long. Nagpunta siya para pahirapan ulit ang kaibigan kong si Naya ngayong araw. Paanong nagkaroon ng ganito kasamang babae sa mundo? Paulit-ulit siyang nang-aapi ng iba. Ang taas pa rin ng tingin niya sa sarili niya. Ang pagkakaroon ba ng isang mayamang nanay ay nangangahulugang pwede na niyang gawin ang kahit anong gusto niya?”
Tumalikod si Chloe at hinila si Naya sa tabi niya.
“Naya, sabihin mo sa lahat kung paano ka inagawan ng fiance ng kiridang ito at binuhusan ka ng mainit na kape. Dapat ibuking mo siya at hayaan siyang sumikat!”
Pagkatapos itong sabihin ni Chloe, umiling si Naya nang mapagpanggap. “Kalimutan mo na ‘yun, Chloe. Kalimutan na lang natin ‘to. Ayaw kong mapahiya ang kahit sino lalo na si Dan. Hiling ko lang na sana talagang mahalin ni Ms. Long si Dan dahil ayaw ko nang makipag-away. Chloe, pumasok na tayo.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.