Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2240

Pagkalipas ng kalahating oras, dumating na sila Madeline at Jeremy. Nang makita niya na may dalang mga prutas at homemade dessert si Madeline, nagpanggap na malungkot si Ava. “Maddie, kung alam ko lang na magdadala ka ng prutas at dessert, hindi ko na sana inutusan si Danny na lumabas para bumili.” “Ano? Masama ba ang loob mo dahil nasa labas ang magiging mister mo sa ganitong malamig na panahon?” Tukso ni Madeline habang tinutulungan si Ava na maghanda ng hapunan. Sanay na si Ava dito at umamin siya , at sinabing, “Oo, syempre. Masama ang loob ko dahil malamig sa labas. Ganun din ang mararamdaman mo kung yung asawa mo ang nasa labas.” Isa itong open concept kitchen, kaya sinilip ni Madeline si Jeremy, na nakaupo sa sopa habang nanunuod sa projector screen habang kumakain ng prutas. Sinabi niya, “Matagal na kaming kasal na dalawa. Paano naman kami magiging sentimental katulad niyong dalawa?” “Matagal nang kasala, ah? Hindi naman nabawasan ang katamisan niyong dalawa katula

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.