Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2283

“Ngunit, paano napunta ang brooch mo doon?” Nagulantang si Naya sa tanong ni Madeline. Sa sandaling iyon, hindi siya makapagsalita. Napanganga siya at hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin. Oo nga, paano napunta doon ang brooch ko? Bakit ito napdpad sa may parking space sa ibaba ng tinitirahan na apartment ni Ava? Nagulo ang isipan ni Naya sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin. Subalit, kapag nanahimik siya, iisipin nila na aminado siya sa bagay na iyon. Hindi niya pwedeng hayaan ang kanyang sarili na dakpin ng ganito. “Heh.” Suminghal si Naya pagkatapos niyang bumalik sa kanyang sarili. “Kakaiba ba na mapadpad doon ang gamit ko? Naglakad ako doon sa lugar na iyon at gusto kong uminom ng kape, kaya pinarada ko ang kotse ko doon sa may parking lot para pumunta sa malapit na cafe. Baka nalaglag ko ang brooch kon doon.” “Kung ganun ay pwede ko bang malaman kung saan kang cafe nagpunta?” Tanong ng isa sa mga pulis. Umirap si Naya at nagpatul

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.