Kabanata 2299
Sobrang sama ng pag-uugali ni Naya. Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya at gusto na niya sanang isara ang pinto, at iwanan si Ava na nakatayo sa labas.
Hindi na nakipagtalo pa si Ava kay Naya. Inangat niya ang kanyang kamay at dahan-dahan na hinarangan ang pinto.
“Sandali.”
Sumimangot si Naya. “Ava, huwag mo nang ipahiya pa ang sarili mo. Ikaw—”
“Naya, ayaw mo akong makita, at ayoko din na makita ang pagmumukha mo. Ngunit sa tingin ko ay pareho lang naman tayo ng gusto, at iyon ay ang mabilis na paggaling ni Daniel.”
Mahinahon ang ekspresyon ni Ava. Ang tono ng kanyang pananalita ay mahinahon din.
Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa naguguluhang mukha ni Naya, habang sinusubukan niyang silipin si Daniel sa loob ng ward. Subalit, hinarangan siya ni Naya.
Wala naman pakialam si Ava sa maruming pamamaraan ni Naya, ngunit kasabay nito, ayaw niya din na kausapin ang taong katulad ni Naya.
Binawi niya ang kanyang kamay at dahan-dahan na inabot ang hawak niyang termos

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.