Kabanata 2361
Napahinto sa gulat ang nanay ni Daniel. "Dan, anong pinagsasabi mo? Pinagsususpetsahan mo ba na sinadya ni Naya na banggain ang kotseng yun patayin ang sarili niya at kunin ang simpatiya mo?"
"Hindi niya gustong kunin ang simpatiya ko. Gusto niyang patayin ang tao sa kabilang kotse." Mas lalong naging seryoso ang ekspresyon ni Daniel. "Ang taong naghatid sa'kin ngayon lang ay si Ava."
"...Ano? Si Ava?" Nagulat ang nanay ni Daniel, pero unti-unti niyang naintindihan ang ibig sabihin ni Daniel.
Ang kotse na minaneho ni Ava ngayon ay kaparehong model at kulay ng kotse na nabangga ni Naya. Inisip siguro ni Naya na si Ava ang nagmamaneho ng kotse, kaya…
"Dan, n-nagkakamali ka lang siguro? Paanong susugal nang ganun yun si Naya gamit ang sarili niyang buhay?"
"Kung ganun, iniisip mo rin ba na hindi siya magtatangkang magpakamatay para sa'kin? Alam mo na baka umarte lang siya noong sinabi niyang nagtangka siyang magpakamatay, tama?" Tanong ni Daniel nang may matalim na tono, lumapag

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.