Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2420

Nang makita ng dalawang lalake si Madeline, ang kanilang mga mukha ay naging kasing dilim ng uling. “Eveline, ang hilig mong maglaro, ano? Pwes, makikipaglaro kami sayo hanggang sa makuntento ka simula ngayon!” Pagkatapos itong sabihin ng isa sa kanila, naglakad sila papunta sa kanila Madeline at Ava. Hindi inaasahan ni Madeline na ang dalawang lalakeng ito ay magagawang makaakyat palabas ng butas ng ganito kadali. Wala na talaga siyang lakas para labanan ang dalawang lalake sa mga sandaling ito. At sa sandaling pahihirapan na sila Ava ng dalawang gangsters na ito, isang pamilyar na pigura ang lumitaw sa paningin ni Madeline. Kaagad na ginapos ni Jeremy ang dalawang lalake ng walang alinlangan. Halos hindi siya nahirapan na patumbahin ang dalawang lalake na gustong saktan sila Madeline at Ava. Ang dalawang lalake ay hindi man alng napansin na may tao na palang nakabuntot sa kanila. Ang iniisip lang nila ay ang tungkol sa paghanap kay Madeline at paglabas ng galit nila.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.