Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 2435

Medyo nahiya si Miss Charles, ngunit kinuha pa din niya ang keyk at nagpaalam kay Lillian. Ngumiti si Lillian at nagpaalam sa kanyang guro. Pagkatapos nilang sumakay sa kotses, sinilip ni Fabian ang rearview mirror paminsan-minsan. “Lily, masaya ka ba dahil nakapasok ka na uli ng eskwelahan?” Tumango si Lillian. Nagtanong uli si Fabian, “Inapi ka ba ng mga kaklase mo?” Umiling si Lillian, at may masiglang ngiti sa kanyang maliit na mukha. Nakahinga ng maluwag si Fabian. Sa sumunod na mga araw, hatid-sundo ni Fabian si Lillian sa tamang oras araw-araw. Sa natitirang mga oras, kung hindi man siya nasa kumpanya ay hinahatid niya si Lillian sa ospital para sa regular nitong check-up. Ito lang ang mga lokasyon na pinupuntahan niya. Bihira siyang pumunta sa mga salo-salo o kaya naman ay maglibang. Pinagtatawanan na siya ng matalik niyang kaibigan, at sinasabi na wala naman siyang girlfriend pero parang meron na siya. Iyon naman ang totoo, ngunit masaya si Fabian dito.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.