Kabanata 530
Bago pa niya mahawakan si Madeline, pinigilan siya ng mga guwardiya ng kulungan.
Pero di tumigil si Meredith sa pagsigaw. Lalo pa siyang nabaliw at nagwala. "Di ko hahayaang magsama kayong dalawa ni Jeremy! Di ko hahayaang makuha mo ang gusto mo Madeline!"
"Akin si Jeremy, akin siya! Madeline, sino ka para agawin ang lalaki ko? Bakit nanatili ang babaeng tulad mo sa puso ni Jeremy sa loob ng 18 taon?! Ang kapal ng mukha mo?!"
18 taon…
Biglang napabilis ang tibok ng puso ni Madeline sa mga salitang isinigaw ni Meredith.
Bago pa niya ito maisip nang malalim, nagpatuloy sa pagwawala si Meredith.
"P*ta! Isa kang p*ta! Kung di dahil sa'yo, ang taong minahal sana ni Jeremy noong una pa lang niya makita sa kolehiyo ay ako! Sinadya mong magpanggap na mabunggo si Jeremy para makuha ang pansin niya! Dahil sa'yo, binalewala ni Jeremy ang mga love letter na isinulat ko para sa kanya!"
'Bago pa magpanggap bilang ako si Meredith, nagsulat siya ng mga love letter para kay Jeremy?'
Nag

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.