Kabanata 694
Magagawa ng taong yun na tuparin ang kahilingan niyang makita si Jeremy.
Habang iniisip iyon ni Meredith, nagmadali siyang umalis sa ospital.
Nakatanggap ng balita sila Karen at Winston na nasa emergency room sila Madeline at Jeremy. Dahil dito, nagmadali silang pumunta sa ospital.
Subalit, napansin ni Winston na kakaiba ang kinikilos ni Karen. "Karen, hindi maganda ang itsura mo mula noong makauwi tayo kagabi. May nangyari ba?"
Nilihis ni Karen ang tingin niya kay Winston at sinabing, "Ano pa ba? Muntik na akong patayin ng walang hiyang pamangkin ko."
Pagkatapos niyang sabihin yun, nakita niya si Jeremy na naglakad palabas ng emergency room kasama si Madeline.
Biglang napahinto si Karen, at sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung paano niya haharapin si Madeline.
Nagpapaulit-ulit sa isip niya ang determinadong tingin ni Madeline at ang pagtulak niya sa kanya palabas ng pinto.
Gusto niya lang talagang iligtas siya.
Subalit, anong ginawa niya?
Bago siya niligtas

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.