Kabanata 751
Parehong lumingon si Madeline at Jeremy sa direksyon na tinuturo ng bartender at natagpuan ang isang pamilyar na anyo na napapalibutan ng mga umiinom at nagsusuntukang lalaki.
Ngunit bago nila matignan nang maigi ang babae nang dahil sa nagsasalubong na mga ilaw sa bar na sumisilaw sa kanilang mga mata, nakita nila itong tumingin sa phone nito bago umalis.
Kaagad na nagmadali sina Madeline at Jeremy para habulin siya. Pagtakbo nila sa may pintuan, isang lalaki na amoy alak ang tumayo sa harapan ni Madeline. "Hoy, babae. Saglit lang tayong hindi nagkita at mas gumanda ka na kaagad. Libre ako ngayong gabi, baka gusto mong magsaya tayo sa hotel mamaya?"
Sigurado si Madeline na napagkamalan siya ng lalaki na siya si Felicity. Magsasalita na sana siya nang inabot ni Jeremy ang kanyang kamay para hawakan ito. Tinitigan niya nang malamig ang lalaki. "Maling tao ang kausap mo."
"Paano akong magkakamali? Nakalimutan mo na ba, baby? Sobrang saya natin sa kama dati––"
Bang!
"Aray!"
S

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.