Kabanata 779
Nanliit ang mga mata ni Felipe habang huminto ang kanyang utak sa pag-iisip.
Naninigas na ang babaeng buhat-buhat niya, at mahina na ang paghinga nito.
Kaagad niyang isinugod si Cathy sa ospital. Hindi mapakali si Felipe habang naghihintay sa labas ng emergency room.
Habang iniisip ang nakita niyang dugo, may hinala na siya sa kung ano ang nangyari, pero ayaw niyang isipin pa ang nangyari.
Hindi nagtagal, lumbas na ang doktor mula sa emergency room.
Bago pa man siya makapagsalita, inunahan na siya ng babaeng doktor at malungkot na ibinalita sa kanya, “Sa sobrang tagal ng asawa mo na nababad sa lamig kaya ito nakunan.”
Sa hindi malaman na dahilan, nakaramdam ng matinding kawalan si Felipe sa kanyang puso. Pagkatapos ay narinig niya ang sinabi ng doktor, “Pagkatapos kong tignan ang kondisyon ng iyong asawa, mukhang hindi pa ganung katagal ang lumipas nung una siyang makunan. Hindi pa tuluyang magaling ang kanyang katawan at kaya siya nakunan muli. Kapag hindi siya nag-ingat, m

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.