Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 790

”Eveline, bakit mag-isa ka lang na pumunta? Kahit hindi ito ang unang beses na ikinasal kayo ni Jeremy, ngayon araw na to ay isa pa ring importanteng araw nung bumalik ka pagkatapos ng inyong kasal. Bakit ka niya hinayaan na pumunta dito ng mag-isa?” Sumakit ang puso ni Madeline, pero sa halip ay tumawa siya. “Hindi na mahalaga kung pumunta siya o hindi. Hindi naman sa gusto kong makasal sa kanya.” “...” Medyo nanigas ang ngiti ni Eloise. Nagsalubong ang kilay nito sa kalituhan at sinabi, “Eveline, ano ang ibig mong sabihin?” Natulala si Madeline. Magsasalita na sana siya, nang bigla siyang may narinig na pamilyar na yabag ng mga paa na mabilis na naglalakad papunta sa pintuan. Tinikom niya ang kanyang kamay, nilingon ang pasilyo, at sinabi, “Ang ibig kong sabihin ay ang dahilan kung bakit ako nagpakasal kay Jeremy ay para makapaghiganti sa kanya. Hindi ko talaga naisip na magsimulang muli kasama niya,” Sinabi biya yun ng may sama ng loob hanggang sa humina ang kanyang boses.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.