Kabanata 832
"Sige." Ika-ika siyang naglakad palapit sa kanya.
Di nagkaroon ng pagkakataon si Madeline na magsalita bago siya balewalain.
Pero hindi siya kumain ng almusal. Salungat nito, tumingkayad siya papunta sa ikalawang palapag.
Pagdating niya sa dulo ng hagdan, narinig niya ang boses ni Jeremy mula sa kwarto. "Wala tayong sapat na ebidensya ngayon, kaya kailangan kong pumunta sa warehouse para kumuha pa."
"Mr. Whitman, masyadong delikado. Bakit di tayo bumalil sa Glendale bago tayo gumawa ng kahit na ano?"
"Tingin mo ba pwede na tayong bumalik sa Glendale ngayon?"
Alam na alam ni Jeremy na namarkahan na ni Felipe ang kanyang lokasyon.
Ang pinakamagandang pruweba ay ang pagbaril nito kay Ken kahapon.
Alam na ni Felipe kung nasaan sila.
Alam din ni Felipe na kasama nila si Madeline.
"Mr. Whitman, ano na pala? Di kita matutulungan kung ganito ako."
"Magpaiwan ka muna dito at magpagaling. Di ka niya gugustuhing patayin ngayon kasi ako ang pinakamalaking target niya." Mukhan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.