Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 858

"Felipe, hindi na kita mahal." Tumagos sa puso ni Felipe ang mga salitang iyon, at sa isang iglap, nakaramdam siya ng lamig na kumalat sa kanyang likod. Para bang may nabasag sa loob ng kanyang katawan. Itinulak palayo ni Cathy ang kamay ni Felipe nang walang bakas ng pangungulila sa kanyang mga mata. "Felipe, sobra mo akong dinismaya. Babayaran kita para sa pagsuporta mo sa'kin sa nagdaang sampung taon. Mula ngayon, wala nang utang na loob sa pagitan nating dalawa." Gusto niyang tumalikod at umalis nang bigla siyang may naalala. Tinignan niya ang lalaki na nakatayo sa iisang lugar nang may seryosong ekspresyon. "Wag mo nang subukang saktan muli ang fiancé ko. Kung hindi, ipapadala ko ang video sa pulis." Nagdilim ang mga mata ni Felipe nang marinig niya ito. Malamig niyang tinitigan ang likod ni Cathy. "Cathy Jordan, pinagbabantaan mo ba ako para sa ibang lalaki?" Huminto si Cathy at malamig na sumagot, "Hindi ka na mahalaga para sa'kin." Hindi makapaniwalang tinignan ni

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.