Kabanata 865
Alam ni Jeremy na hindi na niya ito maitatago sa kanya. Kahit na ganoon ay hindi siya tumango. Sa halip ay marahan siyang nagpaliwanag, "Linnie, hindi ito ganoon kasama kagaya ng iniisip mo. Iyon nga lang…"
"Ano?"
"Bumabalik na naman ang mga sintomas mo noon." Nahanap na ni Jeremy ang mga salitang napakahirap na sabihin.
Bumabalik?
Naalala ni Madeline kung paano siya nagkasakit noong ipinagbuntis niya si Jackson.
Sariwa pa rin ang sakit ngayong naisip niya ito.
Marahan niyang hinawakan ang kanyang tiyan at naintindihan na niya kung bakit pinipilit ni Jeremy na ipalaglag ang bata.
"Linnie, wag kang masyadong mag-alala. Tinanong ko ang doktor at basta maoperahan ka, ayos na ang lahat. Halos tiyak rin ang tyansa ng paggaling mo."
Hinawakan niya ang kanyang kamay at nakaramdam ng pagsisisi. Mayroong pilit na ngiti sa kanyang gwapong mukha.
"Linnie, sa totoo lang… Sa totoo lang, ayos lang kahit si Jackson lang ang mayroon tayo. Ayaw na kitang makitang magdusa pang muli. Sa

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.