Kabanata 880
Narinig niya ang lahat ng sinabi ni Jeremy. Ramdam na ramdam niya ang panghihinayang at pagsisisi ni Jeremy, pati na rin ang nararamdamang hirap ni Jeremy sa pagpapatawad sa kanyang sarili.
Habang nakatingin siya sa likuran ni Jeremy, hindi na naramdaman ni Madeline na malayo sila sa isa't isa.
Lumapit siya kay Jeremy, inangat niya ang braso niya upang hawakan si Jeremy mula sa likuran.
Habang nagmumukmok si Jeremy at sinisisi ang kanyang sarili, nagulat siya nang bigla siyang niyakap ni Madeline. Nanuot ang init sa kanyang dibdib.
"Alam kong hindi mo mapapatawad ang sarili mo dahil sa mga bagay na nagawa mo sakin, pero seryoso ako noong sinabi ko sayo na hindi na ako galit sayo.
"Mabuhay na lang tayo ng masaya habang magkasama tayo, Jeremy."
Umalingawngaw ang malinaw na boses ni Madeline sa tainga ni Jeremy.
Humarap siya kay Madeline, nagtagpo ang makisig niyang mukha at ang walang kasing gandang mukha ni Madeline.
Nagtagpo ang kanilang mga mata. Binalot sila ng katahimikan.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.