Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 901

Tumingala si Madeline at nakita niya si Jeremy na naglalaka na bakas ang pagod sa noo nito. Nang makita niya si Madeline na nakaupo sa tabi ng kama, pinakalma ni Jeremy ang kanyang kilay at ngumiti. “Linnie, nagising ba kita?” Umiling si Madeline at ibinaba niya ang kanyang phone. “Bakit hindi ka umuwi kagabi?” Kahit na ayaw magsinungaling ni Jeremy kay Madeline, ayaw rin niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. “Importante kasi ang kaso ng isang kliyente kaya hindi ako nakaalis. Patawad kung napag-alala kita.” Naglakad si Jeremy at hinalikan si Madeline sa kilay nito. Nang nilapitan niya ito, napansin ni Madeline ang amoy na kumapit kay Jeremy na hindi galing sa kanya. Meron siyang matalas na pang-amoy, at kung tama ang memorya niya, ang natatanging amoy na ito ay katulad sa pabango ni Lana. Pagkatapos ng lahat lahat ng pinagdaanan nila ni Jeremy, hindi naisip ni Madeline na pagtataksilan siya nito. Dahil sa may tiwala siya, hindi na tinanong ni Madeline si Jeremy.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.