Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 980

Ilang taon na rin ang lumipas, at bilang kanyang ina, ito ang unang pagkakataon na nakita niyang umiyak ang kanyang anak. "Jeremy, ikaw…" "Mom, pwede niyo bang ilabas muna saglit si Pudding? Meron akong gustong sabihin sa lalakeng ito." Pinigilan ni Madeline ang kanyang emosyon at inabot si Pudding kay Karen. Kahit na maraming katanungan si Karen, sinunod niya ang pakiusap ni Madeline at inilabas si Pudding. Silang dalawa na lang ang natitira sa loob ng kwarto ngayon, at nakakabingi ang katahimikan. Naglakad papunta sa tabi ng kama si Madeline at naglabas ng ilang mga dokumento mula sa ilalim ng kanyang unan para iabot kay Jeremy. "Pirmahan mo ang mga ito. Makikipaghiwalay na ako sayo." Tinignan ni Jeremy ang mga papel na inabot sa kanya ni Madeline at pakiramdam niya ay hinihiwa ng maraming kutsilyo ang kanyang puso. Tahimik siyang umiyak at hindi kinuha ang mga papel. Sa halip, lumuhod siyang muli sa harapan ni Madeline. Habang nakatingin sa hapong mukha ni Madeline

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.