Kabanata 995
Kalmadong kalmado si Madeline nung sinabi niya ang mga yun, pero para itong mga malalaking tipak ng yelo sa puso ni Jeremy.
Tinitigan niya ang likod ni Madeline at sinundan ito sa may pinto habang tinitiis ang sakit.
Nakita niya si Ryan na pinagbuksan si Madeline ng pinto. Pagkatapos, ngumiti si Madeline at pumasok sa loob bago umalis kasama si Ryan.
.
Sa ilalim ng madilim na kalangitan, kasing lamig ng yelo ang mga tingin ni Jeremy.
'Linnie, hindi ba tayo nakatadhanang mag-sama?
'Kung ganun, bakit tayo muling pinagtagpo ng Diyos pagkatapos ng maraming taon?
'Bakit niya tayo hinayaan na mahalin at patayin ang isa't isa?
'Baka, ang huling bagay na magagawa ko na lang para sayo ay ito.'
Ibinaba niya ang kanyang tingin para tignan ang singsing sa kanyang palasingsingan habang lalong lumamig ang kanyang tingin.
…
Sa loob ng kotse.
Nakatingin lang si Madeline sa labas ng walang sinasabing kahit na ano.
Tinignan niya ang daliri niyang walang singsing at hinawakan ito.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.