Kabanata 113
Inaasahan na ni Tang Ruochu na gawin ito ni Gu Ruoruo. Nakasandal lamang siya sa pinto, ngumiti, at sinabing, “Anong sinasabi mo? Pinapakita ko na ang respeto ko sa kumpanya sa pagsama dito sa business trip na ‘to. Bukod pa doon, nakisama ako sayo para kumuha ng litrato. Sa tingin ko hindi mo naman ako kailangan sa tabi mo ng buong araw, hindi ba? Bago tayo dumating sa City H, wala namang hiniling sakin ang kumpanya. Sinong nagbigay sayo ng karapatan na kwestyonin ako ngayon?”
Nagdabog si Gu Ruoruo at tinakot si Tang Ruochu, “Sige, sige. Tang Ruochu, lagi mo akong kinokontra, hindi ba? Kung ganon, maghintay ka lang! Sa dalawang araw, pagbalik natin sa Beining City, sisiguraduhin ko na pwersahin ka ng kumpanya para klaruhin ang lahat ng ito sa harap ng press. Kung ayaw mong maniwala, maghintay ka lang.”
Pagkatapos, tumalikod siya at naglakad pabalik sa kanyang kwarto matapos ang kanyang pananakot.
Umirap si Tang Ruochu at sinara ang pintuan.
Sa sumunod na araw, bumalik na muli si Ta

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.