Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 126

Nanginig sa galit si Zhao Xiaowan. Hinila siya ni Gu Ruoruo para i-comfort. Pagkatapos, tumingin siya ng may seryosong ekspresyon kay Tang Song. “Pa, nakatatanda parin si mama sa kanya. Hahayaan niyo lang ba na insultuhin siya ni Tang Ruochu?” Sumimangot si Tang Song. Sumakit ang ulo niya sa nagaganap na sitwasyon at pinagalitan sila. “Pareho kayo, tumahimik! Kung mag aaway kayo sa labas ng bahay, pakiusap ‘wag niyong dalahin ang galit niyo sa isa’t isa sa pamamahay na ‘to. ‘Wag kayong kumilos na parang magpapatayan kayo tuwing magkikita kayo; nakakahiya para sakin!” Nang marinig ito, tinikom ni Tang Ruochu ang kanyang bibig. Tunay na magkaribal silang dalawa, parehong hindi nila matiis na makita ang isa’t isa. Walang sinabi si Gu Ruoruo at Zhao Xiaowan. Pagkabalik nila sa sofa, isang bahid ng kasamaan ang lumabas sa mga mata ng mag-ina. Matapos ang ilang saglit, habang si Tang Ruochu ay naghahanda para umakyat ng hagdan, biglang pinigilan siya ni Tang Song. “Gusto kong makipag u

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.