Kabanata 136
“Magkunwari ka na lang muna.”
Tumingin ng may panunuya si Tang Ruochu. “Ginagawa ko ‘to para sayo. Importante ang annual meeting na ‘to. Kapag maganda ang performance mo, magkakaroon ka ng pagkakataon para ma-promote at yumaman. Kung maaalala mo, nitong nakaraang buwan lang, sinabi ko na gusto kong hatakin pababa sa posisyon si Lu Xiaolin. Ngayon, Deputy Manager na ako. Kahit na magkapantay lang ang posisyon namin, halatang mas pinapahalagahan ako ni Li Na. Hindi mo ba napansin na pangit ang mga ekspresyon ni Lu Xiaolin nitong mga nakaraang araw?”
“Tama ka nga sa mga sinabi mo, pero anong kinalaman nun sa pagbibigay mo sakin ng sobrang trabaho?” Halata sa mukha ni Song Anyi na nalilito siya.
Gumulong ang mga mata ni Tang Ruochu at tumingin sa kanya. “Tanga! Kahit na napigilan ko siya, isang Deputy Manager pa rin siya. Interesado ka ba sa posisyon na ‘to? Paano kung hinila natin siya pababa? Kapag nangyari ‘yon, mawawala ang kapangyarihan ni Lu Xiaolin at mawawala ang sandata ni Gu R

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.