Kabanata 204
“Balae, totoo ba ‘yon? Bakit biglang ipinasa ni Tang Song kay Ruoruo ang kanyang mga shares?”
Tumingin si Qin Silian kay Zhao Xiaowan na parang naghihinala. Tila nagdududa siya sa kredibilidad ng mga sinabi niya.
Agad na gumawa ng paliwanag si Gu Ruoruo. “Ma, syempre totoo po ‘yon! Bago ang lahat ng mga ito, ipinangako po ng papa ko na basta’t magpakasal kami ni Yinfeng, bibigyan niya ako ng 20% ng mga shares ng Tang Group. Kahit na mas mababa po ‘yon kaysa sa shares ni Tang Ruochu, kwalipikado pa rin po ako para manahin ang Tang Group. Bukod pa doon, wala pong tulong na ibinibigay si Tang Ruochu sa pamamahala ng kumpanya sa mga nakalipas na taon. Hindi magtatagal, mapupunta na rin po ito sakin. Kapag dumating po ang panahong ‘yon, mas magiging malapit na ang mga Tang at Ji. Kapag may nangyari po sa mga kumpanya natin, pwede tayong magtulungan. Ano po sa tingin nyo?”
Matalino si Gu Ruoruo. Alam niya na may plano dapat siya para may sasalo sa kanya.
Kakaiba nga talaga na biglang nap

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.