Kabanata 20
Sa puntong ito, napagtanto na ni Tang Ruochu ang ibig sabihin ni Lu Shijin.
Nag aapoy ang kanyang mga pisngi at ang buong katawan niya ay nanigas. Wala siyang lakas ng loob para gumalaw ng kahit kaunti.
“Sino… sino ba ang gumagawa ng ganon!”
Kinagat niya ang kanyang mga labi dahil sa kahihiyan. Ang mga pisngi niya ay nagkulay rosas, na kung sino man ang makakita ay magugustuhan kagatin ang mga ito.
“Kung hindi pumapayag ang asawa ko ay hindi ko ito pinagpipilitan,” basta bastang sinabi ni Lu Shijin, habang pinapakita ang respeto sa mga desisyon ni Tang Ruochu. Gayunpaman, ang tingin niya ay nanatiling umaasa.
...
Tumitig siya kay Tang Ruochu ng may paghahangad na para bang wala siyang pwedeng pagtaguan. Nataranta siya at tinuro niya ang sarili nyang noo at sinabing, “Si… Sige.”
Matapos pahintulutan, ngumisi si Lu Shijin. Wala siyang sinayang na oras. Nilabas niya ang kanyang mga braso, binuhat si Tang Ruochu at tinakpan nang mainit niyang mga labi ang mga labi ni Tang Ruochu.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.