Kabanata 219
Mahinahon si Tang Ruochu. Mukha siyang hindi humahanap ng pakikipagkasundo, sa halip, para lang siyang nakikipag usap tungkol sa panahon.
Nagpalit na ng damit si Qin Yi’an. Nang marinig niya ito, kalmado niyang sinabi, “Sabihin mo sa akin ang kasunduan.”
Hindi naging mayabang si Tang Ruochu at agad siyang tumango bago niya sinundan si Qin Yi’an at ang assistant niya patungo sa dressing room sa kabilang kwarto.
Pagpasok nila, tinanggal ng makeup artist ang makeup sa mukha ni Qin Yi’an. Para siyang isang reyna na napapalibutan ng mga alila.
Tumingin si Tang Ruochu sa eksenang ito.
Iba talaga ang mga celebrity.
“Magsalita ka na, anong kasunduan ang binabalak mo? Paano ito makakatulong sakin?”
Pagkatapos niyang tanggalin ang mabigat niyang wedding gown, nagsindi ng sigarilyo si Qin Yi’an at nakakaakit na humigop. Tapos, ibinaling niya ang tingin niya kay Tang Ruochu.
Ngumiti ng maamo si Tang Ruochu. “Ibibigay ko ang balita tungkol sa isa sa mga iskandalo mo para sa interview ko.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.