Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 278

Tahimik na nakatayo si Tang Ruochu sa gilid habang pinapanood niya ang mga nagyayari. May hindi mawaring kinang sa kanyang mga mata. May ilang bagay na nakatadhana na mangyari. Bakit hindi na lang hayaan na mangyari ito? “Shengyao, linisin mo ang sarili mo sa banyo. Kung hindi, masisira ang imahe mo kapag lumabas ka ng ganyang ang itsura mo,” ang sabi ni Tang Ruochu. “Pero…” Sumimangot si Lu Shengyao sa kanyang dilema. Inutusan siya ng kapatid niyang huwag layuan ang kanyang hipag. Kapag umalis siya at may nangyari kay Tang Ruochu, hindi niya ito marereport sa kanyang kuya. “Pumunta ka na. Ayosy lang ako.” Alam ni Tang Ruochu ang pinag-aalala ni Lu Shijin. Darating din ito kung darating. Hindi niya ito matatakasan. Saglit na tumingin sa kanya si Lu Shengyao bago siya nagbuntong-hininga. “Sige na nga, babalik din ako agad. Hipag, wag kang pumunta kahit saan.” Sumagot ng may ngiti si Tang Ruochu, “Okay, alam ko. Pumunta ka na.” Sumulyap si Lu Shengyao sa babaeng bumangga sa kanya

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.