Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 338

Pagkatapos, inutusan ni Tang Ruochu si Shen Mofei, “Mofei, pwede mong isama sayo si Anyi, pero hindi ka pwedeng humanap ng ibang kasama na babae.” Nawala ang interes ni Shen Mofei at tumango siya. Pagkatapos, tumingin siya kay Song Ayi. “Hipag, kung wala nang iba, mauuna na akong umalis.” “Aalis ka na? Ihatid mo na pala pauwi si Anyi,” ang sabi ni Tang Ruochu. Nang marinig niya ito, kinuha ni Song Anyi ang kanyang bag, “Kung ganun pala, Chuchu, aalis na ako.” Nang palabas na siya ng kwarto, narinig niya ang malamig at walang emosyon na boses ni Shen Mofei. “Parang isang malaking abala ‘yun. Kumuha ka na lang ng taxi, Deputy Manager Song.” Pagkatapos niyang magsalita, hindi na siya tumingin sa dalawang babae na nagulat sa mga salita niya. Pagkatapos ng isang kalmado na “Aalis na ako”, umalis na siya. Mahigpit na humawak si Song Anyi sa kanyang bag. Ito ang tanging paraan para magkaroon siya ng lakas para itago ang kahit anong bahid ng kalungkutan. Lumingon siya at ngumiti kay Ta

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.