Kabanata 36
May iba’t ibang uri ng masamang comment doon, at lahat sila ay si Tang Ruochu ang puntirya. May iba pang personal na atake sakanya.
“Tsk tsk, nakakasabik na. Gumalaw na nga talaga siya.”
Kumulo ang dugo niya nang makita ang mga news article, kahit si Tang Ruochu, na inihanda na ang pag iisip niya, ay hindi napigilan na maging emosyonal.
Walang may gustong mapagalitan at pagtawanan. Bukod pa doon, ang mga pinili nilang mga salita ay matindi, at bawat comment ay talagang mapaminsala.
Huminga ng malalim si Tang Ruochu at binuksan ang mata niya ulit. Kalmado ang itsura niya.
Hindi napigilan ni Lu Shijin na sumimangot. “Mukhang alam mo na mangyayari ito?”
“Hindi naman, hinulaan ko lang. Hindi ko alam kung anong eksaktong gagawin niya. Tsk tsk, tingnan mo itong video! Halatang sinisigurado niya na hindi ko kayang baliktarin ang sitwasyon. Ginawa na talaga ang lahat ni Gu Ruoruo para maibalik niya ang pagka inosente niya.”
“May plano ka ba para baliktarin ito?” ang tanong ulit ni Lu Sh

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.