Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 39

Mabilis na umalis si Lu Shijin. Nang makaalis na siya, tahimik din na umalis ng opisina si Tang Ruochu para mag libot. Malaki ang Thunderbolt Entertainment Group. Dahil walang naggagabay sa kanya, hindi siya naglakas ng loob na lumayo mula sa ika-32 na palapag. May mga staff na naglalakad sa paligid. Ang mga taong ito ay lubos na nakatutok sa kanilang mga trabaho, at parang mahigpit ang pakiramdam ng kapaligiran. Ibang iba talaga ito sa isang maliit at oridaryong kumpanya. Nagpatuloy sa paglilibot si Tang Ruochu at hindi niya mapigiling hangaan lalo sa kakayahan ni Lu Shijin. Ang lalaking iyon ay nararapat talaga sa kanyang pangalan na isang kilalang makapangyarihan na business leader. Hindi lang niya pinalago ang kumpanya, pinamahalaan niya pa ito ng mabuti. Dito, hindi kita ni Tang Ruochu ang kaguluhan at ingay na tulad sa Times Entertainment. Pagkatapos maglakad ng lagpas kalahating oras, naramdaman na ni Tang Ruochu ang pagod at pumunta sa malapit na rest area para umupo. Hin

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.