Kabanata 450
“Shijin, bilisan mo... iligtas mo ako!”
“Nasaan ka?” Mayroong gulat sa boses ni Shijin.
Sinabi ni Tang Ruochu kung nasaan siya at pinatay ang telepono. Nagpatuloy siyang tumakbo ng buong lakas niya.
Ang hangin ay umiihip sa kanyang mga tainga. Walang marinig na kahit ano si Tang Ruochu kundi ang kanyang sariling paghinga.
Ang kanyang mga binti ay tila puno ng tingga. Sobrang bigat nito kaya’t bumagal ang kanyang pagtakbo. Napalingon siya pabalik at nakita ang mabangis na pigura ng isang lalaki papunta sa kanya.
Natataranta, kinagat niya ang ibaba ng kanyang labi at binilisan ang kanyang pagtakbo.
“P*ta ka! ‘Wag kang magpapahuli sakin, kundi ay papahirapan talaga kita!”
Ang sigaw ng lalaki ay dinig mula sa likuran niya. Alam ni Tang Ruochu na totoo ang sinasabi niya. Kung mapapasakamay siya nito, siguradong magdurusa siya.
Ngunit ang kanyang binti ay bumigat ng bumigat, nagsimula na siyang bumagal. Ang lalaki ay papalapit ng papalapit.
Hindi niya mapigilan makaramdam ng kawalan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.