Kabanata 513
Pagkatapos umalis ni Tang Ruochu, inikot ni Lu Shengyao ang kanyang ulo at tumingin ng hindi masaya kay Ying Xiaoxiao. “Dear Miss Ying, ibig sabihin ba iniinsulto mo ako nang tinawag mo akong kabalyero na nagliligtas ng dalagang balisa?”
Sadya na tumingin siya sa kanya at hindi sumagot. Iniba niya na lang ang usapan at sinabing, “Lu Shengyao, sumama ka at uminom kasama ako.”
Nagulat si Lu Shengyao pero bumalik din siya sa kanyang sarili. Direkta niya siyang tinanggihan. “Hindi ako pupunta. Sobrang busy ko.”
Isang bakas ng pagkalungkot ang sumilay sa kanyang mga mata. Nagpanggap si Ying Xiaoxiao na hindi naapektuhan at nagkibit balikat. “Kung ganoon kalimutan mo na lang pala.”
Inisip niya na aasarin niya at pipilitin niyang uminom siya kasama ito. Hindi niya inaasahan na susuko ito kaagad.
Hindi natuwa dito si Lu Shengyao. Ginalaw niya ang kanyang labi at may gusto siyang sabihin, pero nakita niya na hindi siya nakatingin sa kanya, ang kanyang balikat ay dumikit palampas ng kanya.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.