Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 51

“Kung hindi mo lang alam, masasabi ko na ang pagluluto ni kuya ang isa sa pinakamasarap na natikman ko. Sigurado akong hindi mo makakalimutan ang pagluluto niya pag natikman mo na. Sa sobrang sarap ay hahanap hanapin mo.” huminga ng malalim si Lu Shengyao para malanghap ang amoy ng pagluluto ni Lu Shijin. Tila naglalaway na siya habang iniisip ito. Binuksan ni Lu Shijin ang apoy at nilagay ang mantika sa kawa, ang mabangong amoy ng bawang ay humalo sa hangin. Hindi napigilan ni Tang Ruochu na huminga ng malalim. “Sinong nagturo sa kanya magluto?” ang tanong niya. “Tinuruan niya ang sarili niya magluto dahil hindi siya umaasa sa iba para alagaan siya noong nagaaral siya sa ibang bansa. Pero, minsan lang siya magluto para sa ibang tao, at sa isang okasyon ko pa lang natikman ang pagluluto niya, kahit na ako ay kapatid niya. Ngayon ko lang ulit matitikman ang pagluluto niya, salamat sayo!” “Tsk, talagang sinasamantala mo ang pagkakataon na ito ha,” ang sinabi ni Tang Ruochu habang ini

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.