Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 524

Kaya naman, sinundan ni Tang Ruochu ang pinag uusapan nila. “Sige, pwede mong subukan ang kahit anong istilo na gusto mo.” Nang marinig niya ito, ngumiti ng maliit si Ying Xiaoxiao. “Maganda naman sakin ‘to, hindi ba?” Tumango si Tang Ruochu at sinagot niya, “Maganda ang itsura mo, pero…” mapaglaro na tumaas ang mga kilay niya, “hindi mo siguro sinuot ‘to para sa akin. May kwenta lang ’yan kapag may partikular na tao na sinabi na maganda ‘yan.” “Tang Ruochu.” minsan lang makita na kiligin ang makapal na balat na si Ying Xiaoxiao. Tumawa si Tang Ruochu. “Oo na, oo na, ‘wag na natin pag usapan ‘to.” Galit na tumitig si Ying XIaoxiao. “Mabuti naman at alam mo.” Ngumiti si Tang Ruochu ngunit hindi siya sumagot. Pagkatapos ng isang saglit, binuksan ni Ying Xiaoxiao ang kanyang bibig para magsalita. “Pupunta ka sa charity dinner?” “Oo naman, bakit hindi?” ang tanong ni Tang Ruochu. Tumaas ang mga kilay ni Ying Xiaoxiao. “Kung pupunta ka, naghanda ba ng gown para sayo ang hubby mo?”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.