Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 625

“Hindi, hindi sila pinaniwalaan ni Chairman Yang. Kung sabagay, maraming taon nang nagtatrabaho sina Uncle at Auntie Song sa Yang Group. Kilala na sila ni Chairman Yang.” “Hindi sila pinaniwalaan?” Sumimangot si Song Anyi. “Kung hindi sila pinaniwalaan, bakit pala nakulong ang mga magulang ko?” “Dahil…” nagdalawang isip si Han Yichen bago siya nagpatuloy, “Gumawa ng iba’t ibang mga pekeng dokumento sina Qianqian at ang second uncle niya. Sa harap ng ganitong mga ebidensya, kailangan maniwala ni Chairman Yang na sina Uncle at Auntie Song ang mismong kumupit ng pera.” “Kailangan?” naging malupit ang tono ni Song Anyi. “Ginawa niyang scapegoat ang mga magulang ko para pagtakpan ang mga masasamang gawain ng mga kamag anak niya.” Naging tahimik si Han Yichen. Alam na alam niya ang buong istorya nito ngunit hindi na siya makapagsalita pa. Habang iniisip na nagdusa ang mga magulang niya dahil sa wala, nanggalaiti si Song Anyi sa galit. Huminga siya ng malalim at muli siyang tumingin ng

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.