Kabanata 62
“Oo, isang magulong kultura ng pamilya namin.”
Ngumiti ng malaki si Lu Shengyao at nagbiro ulit.
Gumulong ang mga mata ni Tang Ruochu. “Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang sariling pangungutya. Oo nga pala, narinig ko na tinawag ka ni Mu Ling na Third Young Master. Pangatlo ka sa pamilya niyo?”
“Tama, pareho ang nanay namin ni kuya. Si ikalawang kapatid at ikaapat na kapatid ay mula sa ibang nanay.”
May pangungutya na pinaliwanag ni Lu Shengyao, may di mawaring lamig sa kanyang mga mata.
Nabigla si Tang Ruochu.
Basta basta niya lang itong tinanong.
Hindi niya inaasahang makarinig ng isang kakaibang balita mula kay Lu Shenyao.
Ang mga problema sa mga malalaking pamilya ay talaga ngang komplikado. Hindi nakapagtataka na hindi kailanman binanggit ni Lu Shijin ang tungkol sa pamilya niya.
“Patawad!” ang sabi ni Tang Ruochu.
Nagkibit balikat si Lu Shengyao. “Ayos lang, bilang hipag ko, parte ka na ng pamilya namin. Pero, magulo talaga ang pamilya namin, at mas makabubuti kung hin

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.