Kabanata 66
Walang masabi si Tang Ruochu.
Malupit ang mga salitang iyon.
Ngayon lang natuklasan ni Tang Ruochu na ang malandi at prestihiyosong bayaw niya ay kayang bumitaw ng malulupit at matatalim na mga salita na direkta sa kahinaan ng isang tao.
Tumingin ng may awa si Tang Ruochu kay Ji Yinfeng at Gu Ruoruo.
Nang makita niyang dumilim ang mga mukha at kumibot ang mga mata ng magkasintahan, alam niya na naapektuhan sila ng mga malupit na salita ni Lu Shengyao.
Napuno ng kasiyahan ang puso ni Tang Ruochu sa eksenang ito.
Kahit na malupit ang mga salita, ang galit niya ay humupa!
Sumabog sa galit si Gu Ruoruo. Katulad ng isang bruha, tinuro niya si Lu Shengyao at inakusahan siya, “At akala mo naman ay dalisay at inosente si Tang Ruochu? Nobya parin siya ng asawa ko nung nakaraan lang. Sa tingin mo talaga ay kayamanan siya? Siguro nga ay sumiping na siya kasama ang iba’t-ibang lalaki.”
Hindi nakapagpigil si Gu Ruoruo. Sinadya niyang laksan ang kanyang boses para kunin ang atensyon ng iba.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.