Kabanata 83
“Kasalukuyan siyang nakikipagusap sa Chengyi Entertainment, Chinese Entertainment, at sa Times Entertainment,” tapat na sinabi ni Song Anyi.
“Pinili niya na iwasan ang mga maliliit na entertainment agency at niligawan niya ang mga pinakamalalaking entertainment agency sa bansa. Bakit kaya hindi niya muna tignan ang sarili niya bago niya ginawa ang desisyon na ‘to. Bakit naman siya tatanggapin ng mga entertainment agency na ‘to?” ang sabi niya habang umikot ang mga mata.
“Hindi ko masabi,” ang sabi ni Tang Ruochu habang umiling siya sa mapanlait na sinabi ng kaibigan niya. “Wag mo kalimutan na sinusuportahan siya ni Ji Yinfeng. At kahit na walang interes ang Ji Group sa entertainment industry, malakas parin ang impluwensya nila dito sa bansa. Madali lang sa kanila na gawing artista ang kahit na sino basta't handa silang magbayad. ‘Wag mo rin maliitin si Gu Ruoruo. Ginamit niya rin ang pangalan ng pamilya Tang nitong mga nakaraang taon para makipagkilala sa mga maimpluwensyang tao. Hin

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.