Kabanata 57 Hindi Makikita at Hindi Mapapansin
Bago pa siya makapaglakad, biglang nagsalita di Mark, "Ibalik mo ang mga pangit na sketch na ito at sabihin mo kay Eric Nathaniel na gumuhit ng bago para sa akin."
Kumibot ang mga sulok ng kanyang bibig. Ang bilis ng pagbabago ng expression sa mukha ni Mark Tremont...
"Talaga bang… pangit ang mga 'yan?" tanong niya, nagtataka siya sa sinabi nito.
Tiningan siya ni Mark Tremont. "Ano, sa palagay mo mayroon akong ekstrang oras para sadyang pahirapan ka sa mga bagay na iyo?"
"Tatlong araw na lang magbabagong taon na," nanghihina niyang sinabi, "Hindi namin ito matatapos sa tamang oras, kahit na ang buong departamento ay magtatrabaho ng buong gabi..."
"Problema mo 'yan," sagot ni Mark nang walang pakialam.
Hindi na tumutol si Arianne. Nangako si Mark Tremont na magiging mabait siya sa pamilyang Lane. Pinaramdam nito kay Arianne na parang ang madilim na ulap sa kalangitan ay nawala at ang araw ay nagniningning muli. Bakit magkakaroon siya ng lakas ng loob na kalabanin pa si Mark? "

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.