Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 238

Pinunasan ni Zachary ang mga luha niya. “Hindi ko napansin kung gaano ako kamahal ni Mommy hanggang sa nawala siya sa'kin.” Hindi siya makapagpatuloy. Sumabit sa lalamunan niya ang mga salita at natakot siyang kapag nagsalita pa siya, babaha na naman ang mga luha niya. Dahan-dahan siyang tumayo. “Lola, pagod ako. Matutulog na ko.” Habang pinanood siya ni Chloe na maglakad papunta sa kwarto niya, nanigas sa galit ang ekspresyon niya. Galit na galit siya kay Jessica, na nangakong tatratuhin niya nang maayos si Zachary. Ang pangakong iyon ang dahil kung bakit sinuportahan ni Chloe si Jessica sa pagiging asawa ni Steven para palitan si Annalise. Sa sandaling pinalitan siya ni Jessica, minaltrato niya si Zachary. Hindi niya pinansin ang lahat ng pinangako niya kay Chloe. Durog na durog siguro si Zachary, ngayong isinantabi niya ang tunay niyang nanay at minaltrato naman siya ng madrasta niya. Dahan-dahang tumayo si Chloe. Mukhang kailangan niyang kausapin nang seryoso si Jessica

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.