Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 432

Lumambot ang ekspresyon ni Zane nang nakita niya ako. “Ang anak niya ang sumugod sa'kin at inaway ang tao ko, pero para bang iniisip niyang maliit na bagay lang ito. Iniisip siguro niyang mas mataas siya kaysa sa iba dahil sa prestihiyosong pamilya niya, pero ang totoo, hindi ba pantay-pantay lang tayong lahat?” Tinitigan niya ako, at tumango ako habang sumagot nang walang pag-aalinlangan, “Oo, tama ka.” Kuminang ang paghanga sa mga mata ni Zane at tinapik niya ang braso ko. “Pero wag kang mag-alala. Ipapahiya ko siya at tuturuan ko siya ng wastong pag-uugali.” Habang iniisip ko kung anong balak niyang gawin sa ginawa ni Shane, tinawag niya si Eric at nagtanong, “Natupad na ang parte ng kontrata natin sa mga Winslow, tama?” Nag-ulat si Eric, “Tama, pero napag-iwanan na ang mga proyekto nila sa merkado at hindi na ito sikat. Sa sitwasyon ngayon, gusto nating ihinto pansamantala ang collaboration natin, pero wala tayong lehitimong dahilan.” “Meron na ngayon,” kalmadong sabi ni Zane.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.