Kabanata 534
Nag-aalangang nagtanong si Sasha, “Sinabi ba sa kanya ni Yvonne ang tungkol dito?”
Umiling si Eric at nagsabing, “Hindi ako sigurado.”
Sabi ni Sasha, “Pero dahil nakita mo silang magkasama, baka may posibilidad na ginawa niya nga. Tatanungin ko siya bukas.”
Hindi siya pinigilan ni Eric at simpleng nagsabi, “Sige.”
Pagkatapos, sabi ni Sasha, “Iba talaga ang pinakamausisang tsismoso sa kumpanya! Palagi ka talagang nakakakuha ng importanteng impormasyong kagaya nito.”
Nang nahihiha, sabi ni Eric, “Hindi ako masyadong talentado—pinagsikapan ko ang lahat ng iyon.”
Tumawa si Sasha nang sinabi niya iyon. Komento niya, “Masyado kang mapagpakumbaba.”
Nang natapos ang usapan, uminom si Sasha ng juice niya. Pagkatapos, lumitaw ang pandidiri sa mukha niya. Nang napansin ang pagbabago sa timpla niya, kaagad na nagtanong si Eric, “Anong nasa isip mo?”
Nang hindi nagpaligoy-ligoy, sagot ni Sasha, “Inisip ko lang na napakawalanghiya ni Shane! Wala akong kaugnayan sa kanya sa kahit na anong par

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.