Kabanata 539
Napatunayan lang ng kinikilos ni Jessica ang katotohanan para kay Casper—pera ang habol sa kanya ni Jessica.
Maikli ang sagot niya. “Masagana.”
Aligaga si Casper arawaraw. Nakatuon siya sa trabaho, kaya wala siyang oras para sa mga distraksyong kagaya ni Jessica. Ang kakaiba rito, gumagaan ang loob niya sa pagiging aligaga niya.
“May sapat ka bang pera? Kailangan mo ba ng tulong?”
“Meron,” sagot ni Casper. Wala siyang interes na makipagusap kay Jessica pero pinilit niyang manatiling sibilisado para kay Zane. “Salamat, pero ayos lang ako.”
Nakaramdam ng kaunting inis is Jessica. Si Casper, na dating naghahabol sa atensyon niya, ay para bang wala nang pakialam ngayon.
“Ang lamig-lamig mo nitong nakaraan. Sabi mo napatawad mo na ako, pero sa loob-loob mo, galit ka pa rin sa'kin, tama? Totoo yun noong humingi ako ng tawad, alam mo ba? Gusto ko talagang ayusin ang relasyon natin.”
Pinindot niya ang send at tinitigan ang screen pagkatapos ay naghintay. Anong masasabi niya? Hindi si

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.