Kabanata 550
Galanteng sabi ni Sasha, “Wag kang mag-alala. Libre ko.”
Lalo na't sulit ang gumastos ng kaunting pera para pahirapan si Yvonne. Kahit na alam ni Sasha na di madaling kumita ng pera, kaya niya pa ring manlibre.
Kinakabahang napalunok si Shane. “Pwede ba akong umorder ng kahit na anong gusto ko?”
Naisip kaagad ni Sasha ang tendensiya niyang magwaldas at nag-aalala siyang baka umorder siya nang sobrang dami na lalampas ito sa buong buwanang sahod niya.
Kung kaya't mabilis niyang dagdag, “Pwede kang umorder ng kahit na anong gusto mo, basta't hindi ka lalampas ng isandaang dolyar. Kapag lumampas ka, bahala ka na sa buhay mo.”
Naisip ni Sasha na mas magandang maglagay ng malinaw na hangganan ngayon kaysa magulat siya mamaya.
Reklamo ni Shane, “May trabaho at bonus ka. Talaga bang ganun ka kagipit sa pera?”
Nang hindi nagpatumpik-tumpik, sagot ni Sasha, “Hindi ganun kataas ang sahod ko. Mabuti na nga at ililibre pa kita. Kung masyado tong mababa para sa'yo, kalimutan mo na lang.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.