Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 666

Tumawa si Zane at nagbiro, “Kung hindi, kapag may dumating na ibang lalaki at mapansin mong ang alam ko lang gawin ay gumawa ng pera habang masaya naman siya at maalalahanin, katapusan ko na, hindi ba?” Kalmado akong sumagot, “Basta't di mo ko pagtataksilan, hindi mahalaga kung sino pang darating. Hindi ako magiging interesado dahil ikaw lang ang pagpipilian ko.” Binagalan ko ang pananalita ko. “Dahil inahon mo ko noong nalulunod ako. Kapag pinagdududahan ako ng lahat, pinakita mo sa'kin na hindi ako walang kwenta kagaya ng sabi nila. Ang totoo, magaling ako. Tinulungan mo kong mahanap muli ang sarili ko, buuin muli ang kumpyansa ko, at umusbong nang paunti-unti. Palagi akong nagpapasalamat para diyan.” Sumandal ako sa pintuan ng kusina, tumingin ako sa mukha ni Zane, at nagdagdag, “At mahal na mahal kita.” Pinatay ni Zane ang kalan, lumapit sa'kin, at hinila ako sa yakap niya. Lumapat ang mainit na labi niya sa'kin sa isang mabilis na halik. “Hindi mo pa nasabi sa'kin yan noon,”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.