Kabanata 129
Gumalaw ang mga pilikmata ni Wanda. Bigla siyang nililipat ng dean sa Class 2, at bigla-biglang nanlalamig si Carlisle sa kaniya nang walang dahilan. Hindi mahirap makita na si Zachary at ang tatay niya ang nasa likod nito.
Agad itong sumagot nang tawagan niya si Zachary. Kalmado ang tono nito nang magtanong, “Anong problema?”
“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan? Ideya mo ba ‘to o ni Dad?” Malamig ang tono ng boses ni Wanda. Naniniwala talaga siyang si Zachary ang nasa likod nito.
“Kinausap ka na ba ni Carlisle Zahn?” Tumawa si Zachary.
“Hindi pa at hindi niya ako kakausapin dahil panggigipit mo sa kaniya!”
“Ginagawa ko ito para sa kapakanan mo, Wanda. Hindi siya karapat-dapat sa iyo!”
“Ako ang magdedesisyon kung karapat-dapat ba siya sa akin o hindi. Kung pipilitin mong paghiwalayin kami, habangbuhay na akong may galit sa iyo!” Namula ang mga mata ni Wanda. May panginginig ang boses niya.
“Hindi ko akalain na magagalit ka sa akin para sa ibang tao.” Malungkot na ng

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.