Kabanata 1058 Makipagkasundo
Sa totoo lang, alam talaga ni Gideon ang lahat. Pwede niya namang sabihin kay Nell, pero pinili niyang hindi.
Pinanood niya lamang na mag-imbestiga ang babae at pagdaanan nito ang mga hirap at peligro.
Bakit?
Nag-aalangan si Nell na maniwalang sasaktan siya ni Gideon, pero ikinatatakot niya ang katotohanan. Baka hindi niya ito kayanin.
Nag-alangan siya nang kaunti sa loob ng ilang sandali. Sa wakas, napagpasyahan niyang maniwala kay Gideon kahit anong mangyari.
Mula sa sinabi ni Jeff, makikitang gusto niyang sirain ang relasyon ng mag-asawa.
Hindi makakapayag si Nell na magtagumpay ang lalaki.
Sa kabilang banda, hindi alam ni Gideon ang nangyayari sa panig nila Nell.
Pagkarating niya sa City J, agad niyang nahanap ang villa na tinuluyan nila Jeff.
Ganoon pa man, mukhang mas maagang natanggap ng kabilang panig ang balita na parating na sila dahil wala ng tao rito ni kahit isa.
Inutusan ni Gideon ang kanyang mga tauhan na halughugin ang buong mansyon pero wala pa rin silang nah

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.