Kabanata 109 Panandaliang Pananatili
Umiling lamang si Janet.
“Ayos lang ako. Huwag ka nang tumawag ng pulis.”
Huminga ito nang malalim na tila ba pinapakalma niya ang kanyang sarili.
“Nelly, pwede mob ba akong kuhanan ng damit, pakiusap?”
Tinitigan lamang siya ni Nell nang tahimik.
Alam niyang walang kahit sino ang mangangahas na tratuhin nang ganito si Janet, lalo na at makapangyarihan ang kanyang pamilya. Bukod pa roon, lagi rin itong protektado ng mga bodyguards kaya walang kahit sino ang makakalapit rito.
Siguro… Mayroon pang kuwento sa likod ng insidenteng ito.
Nang hindi na nagtatanong pa, agad siyang tumalikod para kunin ang mga damit ni Janet. Sunod, tinulungan niya itong linisin ang sarili sa banyo bago sila umalis ng hotel room.
Sa Leith Gardens.
Nakatulala si Aunt Joyce nang dumating si Nell kasama ang isang babaeng nakita niya sa telebisyon.
“Aunt Joyce, ito ang kaibigan ko, si Janet. Mananatili muna siya sa atin sa loob ng ilang araw. Pakiusap pwede bang maghanda kayo ng hindi gaanong maalat na hap

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.