Kabanata 117 Ipakilala ang Lalaki
Dahil wala naman talagang emosyon ang batang ito, bilang isang lola, hindi dapat siya sisihin kung bakit wala itong puso.
Habang iniisip ito, agad namang bumulyaw si Sylvia sa isang garalgal na boses, “Hindi mo ba nakikitang may nakaupo rito? Ano naman kung hindi mo siya kilala? Bakit hindi mo siya batiin?”
Sumimangiot si Nell.
Dahil hindi naman siya kasangkot sa mga negosyo ng Jennings, hindi na niya kinailangan pang batiin si Mr. Cap.
Ganoon pa man, napunta ang kanyang tingin sa lalaking nakatitig at nakangiti sa kanya.
Nagpakita pa rin siya ng galang kay Sylvia at sa tagalabas na nakaupo, “Mr. Cap.”
“Oh, hindi mo naman kailangang maging magalang. Ilang taon lamang ang tanda ko sa iyo. Tawagin mo na lang akong Cap o kaya Dylan.”
Nagbigay ng isang mainit na ngiti si Dylan habang may bakas ng panunuyo.
Sa loob ng kanyang isip, napairap si Nell.
Matanda ng ilang taon?
Ilang dekada kamo, hindi ba?
Kung tama ang kanyang pagkakatanda, nasa kwarenta na halos ang lalaking ito!
In

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.