Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 121 Nasa Kapahamakan Siya

Maririnig ang mahihinang yapak mula sa labas. Inangat ni Nell ang kanyang ulo. Habang inaakalang bumalik na si Lea, tinawag niya ito, “Lea, hindi pa ako tapos. Hintayin mo ko dyan sa labas!” Habang nahihirapan, sinubukang tumayo ni Nell para maabot ang shower. Ganoon pa man, isang nakakamanhid na pakiramdam ang dahan-dahang kumalat sa kanyang katawan hanggang sa manghina ang kanyang tuhod at maging dahilan para matumba siya. Habang nawawalan ng kulay ang kanyang mukha, luminaw na rin sa isip ni Nell ang mga nangyayari. Ito ang pamilyar na pakiramdam na alam niya. Paano namang hindi niya malalaman kung ano ang nangyayari? Buwisit! Ano ba ha? Naalala niyang kinain naman ng lahat kung ano ang kinain niya. Maaaring hindi rin ang baso ng alak ang may isyu. Hindi kaya… Nanliit ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya ang baso ng mainit na tubig na dinala ni Lea. Habang malamig ang kislap ng mga mata, namumuo na naman ang galit na handang sumabog sa kanyang kalooban. Ang mga taon

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.